
UNANG GANTIMPALA
Sa malikhaing sining ng animasyon, naipinta ng pelikulang ito ang katahimikan at bigat
ng alaala — isang matandang lola, isang resipe, at mga sugat ng nakaraan na muling
nabuhay sa bawat guhit at galaw. Sa makapangyarihang pagsasanib ng tradisyon at
trauma, ipinapakita nitong ang pagkain ay sisidlan ng ating pinagmulan at pag-ibig na
mahirap kalimutan.
Iginagawad ang parangal sa —
PASTIL: PAREHAS RA TA’G KAN-ON’G GINAKAON
ni Andrei Francis C. Arrocena
Pinakamahusay na Animated Film (General Statement)
Ang mahusay na animated film ay higit pa sa galaw ng guhit at kulay – ito’y paglikha ng
isang mundong buhay at makahulugan. Sa pagsasanib ng sining at teknolohiya,
naipapahayag nito ang imahinasyon at damdaming humahawak sa puso ng manonood,
nagbibigay-buhay sa mga karakter, at nag-iiwan ng mahiwagang alaala na tumatagal
nang lampas sa mga frame o lente. Pinapaalala nitong ang imahinasyon ay walang
hanggan kapag pinagbuhol ng talino, teknolohiya at damdamin.
Iginagawad ang parangal sa —
3rd Place Farther, Closer, Farther ni Jillian Abby D. Santiago
2nd Place Nagahanaw Na Mga Aninipot ni JP Corton
Honorable Mentions – Animated Film (General Statement)
Buhay ang bawat guhit at kulay sa mga obrang ito — namukod-tangi ang kanilang
sining, damdamin, at malikhaing paglalang ng mga mundong patuloy na humahaplos sa
puso ng manonood. Isang pagpupugay sa lakas ng imahinasyon na walang hanggan sa
paglikha ng mga kuwentong nabubuhay sa ating alaala.
Iginagawad ang parangal sa —
Sa Humba Nimo nina Allen Joshua S. Trinidad, Janelle Ruth Q. Samaniego, Earl
Holden C. Bueno, Sophia
Christiensen Amihan C. Asupan
Unravelled nina Sofia Bianca Chua, Maria Isabella Patricia Manaloto, Avryll Nartates
Pelikulang Para at Tungkol sa mga Bata
Ipinakita ng pelikulang ito ang mundo sa mata ng isang bata — tapat, mausisa, at puno
ng pag-asa — isang kuwentong nag-aalaga sa kanilang imahinasyon at nag-iiwan ng
liwanag na patuloy na maggagabay sa kanilang paglaki. Sa bawat eksena,
ipinapahayag nito na ang pagkabata ay hindi lamang yugto kundi pundasyon ng ating
mga pangarap.
Iginagawad ang parangal sa —
Nagahanaw Na Mga Aninipot ni JP Corton
UNANG GANTIMPALA
Para sa matapang at mapangahas na anyo at nilalaman — nakakatawa ngunit
nakakagulantang, tila simpleng biro ngunit may tinatamang mas malalim na
katotohanan. Sa kakaibang ritmo, biswal, at satirikong kumpas, ginising nito ang
nananahimik na espasyo at ipinakita kung paanong ang katahimikan ay maaaring
gambalain ng panahon, lipunan — at lalo na ng mga dayuhan.
Iginagawad ang parangal sa —
NAKAKAPAGPABAGABAG KAPAG KINAKABAG ng Colegio De San Juan De
Letran.

Pinakamahusay na Experimental Film (General Statement)
Isang mapangahas na pagtalon lampas sa hangganan ng pamilyar — ang mga obrang
ito’y nagbukas ng bagong lenggwahe at paraan ng pagdanas ng pelikula, lumilikha ng
imahen at tunog na matagal manahimik at patuloy na humahaplos sa alaala.
Ipinapamalas nito na ang sining ng sine ay buhay na larangan ng pagtuklas, palaging
naghahanap ng bago at humahamon sa kung ano ang posible.
Iginagawad ang parangal sa —
3rd Place — Hinimo Ka Gikan Sa Yuta, Ug Sa Yuta Ka Pauli ni Reyjie Gabriel Rosique (Gab Rosique)
2nd Place — Ang Saad Nga Bugas Mikone Joshua Calungsod
Honorable Mention – Experimental Film (General Statement)
Tumatak ang kanilang kakaibang bisyon at malikhaing paglapit — ang mga obrang ito ay
nagtulak sa hangganan ng sining ng sine at naghandog ng mga imaheng mananatiling
sariwa sa alaala. Ipinapaalala nilang ang sine ay patuloy na lumalago, naghahanap, at
lumilikha ng bago.
Iginagawad ang parangal sa —
A Tender Awakening ni Daphnee Ferrer
Tirik ni Victor Emmanuel Carmelo P.Nadera II (Wika Nadera)
UNANG GANTIMPALA
Para sa matapang at masinsing paglalahad ng kuwento ng mga taong madalas hindi
nabibigyan ng mukha at tinig sa lipunan. Sa tapat at walang palamuting
pagdokumentaryo, nasaksihan natin ang laban ng dalawang indibidwal na naghahabol
hindi lamang sa kanilang legal na pagkakakilanlan kundi ang karapatang maramdaman
na kabilang sila sa lipunan — isang makapangyarihang paalala na ang identidad at
dignidad ay hindi dapat ipinagkakait kaninuman.
Iginagawad ang parangal sa —
ROMEO AND JULIE nina Ysamae Yrrah Carelo at Edward John Louise Factes
Pinakamahusay na Dokumentaryo (General Statement)
Isang matapat at makataong pagtanaw sa katotohanan – ganito inilalarawan ang
dokumentaryong may malinaw na punto de bista, empatiya sa mga tao at lugar, at
malikhaing lenggwaheng biswal na humahaplos sa damdamin at nag-iiwan ng tanong
na hindi madaling talikuran. Sa pagnanais nitong magmulat at mag-udyok ng pagninilay,
ipinapaalala nito na ang dokumentaryo ay hindi lamang pagsasalaysay kundi
panawagan para makinig at kumilos.
Iginagawad ang parangal sa —
3rd Place Eyen Kami Deyuhan (We Are From Here) nina Regine Mae I. Manuel
& Charles Dewey Vitto
2nd Place Daungan ng mga Naghihintay ni Kaila Arvi B. Ariston
Honorable Mention – Dokumentaryo (General Statement)
Tapat at makabuluhan ang mga dokumentaryong ito — nagbigay-linaw at damdamin sa
mga isyung panlipunan at nagbukas ng usaping hindi dapat balewalain. Patunay itong
may kapangyarihan ang pelikula na magmulat, magpabago, at magpaalala ng ating
pananagutan sa isa’t isa. Ang mga pelikulang ito ay namukod-tangi ang sinseridad,
husay sa pagkukuwento, at kapangyarihang magbigay-linaw at magpaantig ng
damdamin.
Iginagawad ang parangal sa —
Dagiti Nalaga Nga Istoria (Woven Stories) ni Melver Ritz L. Gomez
Bulahaw sa Banahaw ni Anthony James Bayog
Pinakamahusay na Editing
Higit sa pagdugtong-dugtong ng mga eksena, ang editing ng pelikulang ito ang siyang
nagbigay-hinga at ritmo — ginabayan ang emosyon at tensyon na nagdala sa
manonood sa loob ng kuwento. Sa husay ng pagkakahabi ng mga imahe at tunog,
nabubuo ang bisyon ng pelikula at naipapadama ang tibok ng bawat eksena.
Iginagawad ang parangal sa —
ROMEO AND JULIE nina Ysamae Yrrah Carelo at Edward John Louise Factes
Isang maikling pelikulang nagpakita ng kapangyarihan ng katahimikan bilang
lenggwahe ng tensyon at damdamin—walang labis na salita, ngunit mabigat ang bawat
titig at pagitan ng hinga. Sa makatotohanang paglalapat ng biswal at ritmo ng buhay sa
isang maliit na baryo, naipamalas nito ang alitan ng mag-ama at ang pangarap ng isang
dalagang nagnanais lumampas sa hangganan ng kanilang mundo. Isang obra na
simple ngunit matindi ang pagdama sa tibok ng pamilya, tradisyon, at pag-asa.
Iginagawad ang parangal sa —
CHAMP GREEN ni Clyde Cuizon Gamale.
Pinakamahusay na Maikling Pelikula (General Statement)
Sa maikling sandali, nagawa nitong maghatid ng kuwentong buo, makatao, at hitik sa
damdamin at imahen — patunay na hindi nasusukat sa haba ang lalim at kapangyarihan
ng pelikula. Ipinapaalala nito na sa maikling yugto, naipapakita nito ang lalim ng
karanasan ng tao at ang kapangyarihan ng sine bilang sining ng pagtuklas at
pagninilay.
Iginagawad ang parangal sa —
3rd Place No More Crying John Peter Chua YATU Film Productions
2nd Place Si Balong at Si Doro Jenser Recosanna Hundred Islands Film Festival
Honorable Mention – Pelikula (General Statement)
Sa kanilang malikhaing tinig at tapang sa pagbuo ng kuwento, ang mga pelikulang ito’y
nag-iwan ng bakas ng sigla at inspirasyon — mga kuwentong karapat-dapat kilalanin at
ipagdiwang. Ang mga pelikulang ito ay nagpamalas ng kakaibang talino, husay sa
kanilang malikhaing pagkukuwento at natatanging angking boses.
Iginagawad ang parangal sa —
Ang Pagbukod ni Melmel ni Nathaniel Amor Turingan
What Remains Warm nina Dexter Paul De Jesus And Drexler Jaramel
Pinakamahusay na Pelikulang Rehiyonal
Mula sa pinagmulan nitong lupa at wika, sumibol ang kuwentong nagbukas ng bintana
sa kultura at karanasang madalas hindi naririnig — patunay na mas makulay ang
pelikula kapag ang ugat nito’y nakabaon sa sariling bayan. Pinagtitibay nito na ang
bawat rehiyon ay may tinig na karapat-dapat marinig at ipagdiwang sa entablado ng
sine.
Iginagawad ang parangal sa —
Si Balong at si Doro ni Jenser Recosana
CHAMP GREEN ni Clyde Cuizon Gamale.
Pagkilala sa Pinakamahusay na Aktor
Isang natatanging tambalan sa pagitan ng dalawang magkaibigan — sa kanilang
ugnayang puno ng lambing at katapatan, nailapit nila sa manonood ang saya, sakit, at
puso ng kuwento. Isang patunay na ang wagas na damdamin ay hindi nakukulong sa
wika at salita kundi nahahayag sa kilos at titig. Ang mahusay na pagganap ng aktor
kasama ng kanyang alagang hayop ay patunay ng likas na koneksiyon at katapatan sa
eksena.
Iginagawad ang parangal kina —
John Paul Soriano kasama ang kalabaw na si Doro
sa Si Balong at si Doro
Pinakamahusay na Ensemble Cast
Bawat artista ay may sariling tinig at presensya, ngunit nang magsama-sama, naging
iisang hininga at tibok sila ng pelikula — isang pagganap na puno ng buhay at lalim. Sa
makatotohanang paglalarawan ng isang maliit na pamayanang agrikultural at ng alitan
ng mag-ama tungkol sa pangarap at kinabukasan ng anak, ipinakita ng gumanap ang
pinong tensyon at tahimik na sakit na hindi kailangan ng labis na salita. Pinatunayan
nilang ang tunay na galing sa pag-arte ay nakasalalay sa pagtutulungan at pagyakap sa
kabuuan ng kuwento.
Iginagawad ang parangal sa —
CHAMP GREEN ni Clyde Cuizon Gamale.
Pinakamahusay na Sinematograpiya
Sa malikhaing paggamit ng liwanag, anino, at galaw ng kamera, bawat frame ay naging
pintuan tungo sa kaluluwa ng kuwento — isang biswal na karanasang nagbibigay-lalim
sa damdamin ng pelikula. Ipinapakita nitong ang kamera ay hindi lamang mata kundi
puso na nagdadala sa atin sa loob ng kuwento.
Iginagawad ang parangal sa —
No More Crying ni John Peter Chua
Pinakamahusay na Screenplay
Nasa pinakaugat ng kuwentong ito ang mahusay na pagkakahabi ng mga karakter,
dayalogo, tunggalian, at maging ng katahimikan — isang naratibong hindi lamang
sinusundan kundi nararamdaman at tumitimo sa puso’t isipan. Isang paalala na ang
mahusay na screenplay ay pundasyon ng isang makapangyarihang pelikula.
Iginagawad ang parangal sa —
CHAMP GREEN ni Clyde Cuizon Gamale.
CCP Gawad para sa Alternatibong Pelikula at Video, or Gawad Alternatibo for short, is the longest-running independent short film festival in Asia,
Sign up for our newsletter to get updates.